^

Dr. Love

Dapat bang magtiwala?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang pinagpalang araw sa iyo. Tawagin mo na lang akong Brenda, isang tindera ng isda sa palengke. Sa gulang na 22, biyuda na po ako.

Hindi mo naitatanong ay maaga akong nag-asawa at sa edad kong 18 years old ay naging biktima ng pananaksak ang mister ko. Wala pa kaming anak.

Marami akong manliligaw pero natatakot ako at baka paglaruan lang nila ako. Kasi naman ay puro walang trabaho at istambay ang nanliligaw sa akin.

Dapat pa kaya akong magtiwala sa mga nanliligaw sa akin?

Tulungan mo sana ako.

Brenda

Dear Brenda,

Tayong lahat ay binigyan ng talino at dunong ng Diyos kaya gamitin natin ito lalo na sa pag-evaluate, hindi lamang ng mga manliligaw kundi pati sa mga bagong nakikilala natin.

Kaya walang ibang makatutulong sa iyo sa pagkilala sa mga taong duma­rating sa buhay mo kundi ikaw lang. Sa­­bagay, tama ang ginagawa mong pag-iingat­ dahil totoong maraming ma­pag­samantala sa mundo.

Kaya sa pag-e-entertain ng mga man­li­ligaw, huwag lang puso ang gagamitin kundi isip.

Dr. Love

 

vuukle comment

BRENDA

DAPAT

DEAR BRENDA

DIYOS

DR. LOVE

ISANG

KASI

KAYA

MARAMI

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with