Dear Dr. Love,
Gusto ko lang po hingin ang opinyon ninyo kung dapat nga kayang maghinanakit sa akin ang panganay kong anak dahil sa pag-aapura ko sa kanyang maghanap ng trabaho?
Anak ko po sa pagkadalaga si Melvin. Nang mag-asawa ako, nagkaroon ako ng tatlo pang anak. Wala naman naging problema sa kanila ni Waldo, maliban lang nang pagsabihan siya ng kanyang amain na huminto sa pag-aaral dahil hindi naming kayang tustusan ang pagpasok niya sa kolehiyo.
Ang tatlong nakababatang anak ko ay nasa elementarya pa at isang high school sa paÂaralang pampubliko. Si Waldo ay kunduktor sa bus at nawalan pa ng trabaho nang masusÂpinde ang operasyon ng bus company matapos makabangga ng dalawang ulit at namatay ang biktima.
Para makatulong sa gastos ng pamilya, namasukan akong labandera ng dalawang may kayang pamilya sa aming lugar. Kapag hindi nagÂlalaba, nagse-service ako ng manicure pedicure sa dati nang mga customer sa parlor.
Ang hindi ko alam, nagpaampon sa aming simbahan si Melvin para makapag-aral sa college at dahil matalinong bata, nakapasa siya sa scholarship program ng isang technical school at nakatapos. Pero lumipas ang anim na buwan ay hindi pa rin siya makahanap ng trabaho.
Dahil nahihirapan na ako sa trabaho, sinabihan ko si Melvin na mag-fastfood muna siya para kumita na at maka tulong sa ibang kapatid.
Noon ko lang nakitang lumuha si Melvin. Naaawa raw siya sa sarili at mistulang inaÂapura ko siyang kumita gayong hindi naman ako ang gumastos sa kanyang pag-aaral. Bakit raw ang step father niya ang hindi ko apurahing magbanat ng buto? Hindi na umuwi mula noon ang anak ko. Mali nga ba ang ginawa kong pag-aapura sa anak ko sa paghahanap ng trabaho?
Gumagalang,
Aning
Dear Aning,
Ang nakikita ko lang diperensiya ay nawala ang konsiderasyon mo sa damdamin ng iyong anak, dahil inobliga mo siya sa tungkulin ninyo bilang magulang. Marahil ay wala pa ang tugmang oportunidad para sa iyong anak, pero natitiyak kong darating din ‘yon dahil masikap siyang bata. Hayaan mo rin na maging kusa ang pag-agapay niya sa kabuhayan ng inyong paÂmilya at huwag mo itong ipagduldulan sa kanya. Dahil siya ay anak, hindi magulang.
Dr. Love