Crush ang teacher

Dear Dr. Love,

Good day to you Dr. Love! Sinulatan ko kayo para magtanong. Siyanga pala, tawagin mo na lang akong Marifi, 13-anyos.

May crush kasi ako sa teacher ko. First year high school na po ako at crush na crush ko ang English teacher ko na kamukha ni Coco Martin.

Favorite actor ko kasi si Coco. Masama po ba ang magka-crush sa teacher?

Masyado po akong close sa Mommy ko at sinabi ko ito sa kanya. Napangiti lamang siya at ang sabi’y baby pa ako at huwag ko munang isipin.

Parang gusto ko kasing sulatan ang crush ko at sabihin ang admiration ko sa kanya. Tama ba kung gagawin ko ito?

Bigyan mo po ako ng advice.

Marifi

Dear Marifi,

Walang masamang humanga. Lahat ng tao ay may hinahangaan. Pero hindi nangangahulugan na ang paghanga ay pag-ibig. Eh ako nga ele­mentary pa lang may hinahangaan na rin. Pero tama ang iyong nanay. Huwag mong seryosohin ang nadarama mo.

Darating din ang araw na mauunawaan mo ang sinasabi ng matatanda sa iyo. Ang edad na thirteen ay murang-mura pa para pagkaabalahan ang sersyosong paksa tungkol sa pag-ibig.

Kung susulatan mo ang teacher mo, siguro matatawa lang siya at ganun din ang sasabihin niya.

Basta habang bata ka pa, pagbutihan mo ang pag-aaral.

Dr. Love

Show comments