Kulang sa sukat
Dear Dr. Love,
Ako po ay 20 taong gulang at kasalukuyang nasa huling taon ng kursong engineering sa isang kilalang unibersidad sa Metro Manila. Maraming nagsasabing guwapo raw sana ako pero kulang lang sa sukat. Ang height ko po ay 5’4 at alam kong wala na akong pag-asa pang tumangkad anuman ang gawin kong pagsisikap na madagdagan pa ito.
Nagsimula akong magkaroon ng insecurities sa aking kakulangan sa sukat nang maiwanan na ako sa height ng mas mga bata kong pinsang lalaki at inabutan na rin ako ng kapatid kong babae na nasa high school.
Kasing taas ko lang halos ang aking ama at 5’3 naman ang aking ina. Hindi rin maÂtaÂtangkad ang aking lolo at lola sa magkabilang panig.
Ang diperensiya sa akin, ang mga nagugustuhan kong ligawang babae ay mas mataas kaysa akin at kung magsusuot pa ng high heels, magmumukha na akong bansot.
Isa sa mga naging crush ko ang nagparinig pa sa akin na bago sana ako manligaw sa kanya, humanap muna ako ng elevator shoes. Anupa at mula noon, umiiwas na akong makisabay sa mga kaklaseng matatangkad.
Nang sabihin ko sa aking ina ang aking problema, tinawanan lang niya ako at sinabing hindi baleng pandak ka, pogi naman. Dapat ko bang ikahiya ang aking pagiging pandak at wala ba akong karapatang kumursunada ng babaeng mas mataas kaysa akin?
Salamat po sa pagbibigay daan ninyo sa liham kong ito.
Gumagalang,
Cesar
Dear Cesar,
Wala ka ngang magagawa para tumangkad kung ang pinagmulan mong pamilya ay hindi naman lahi ng six footers. Pero hindi mo dapat ikahiya ang likas na katangian mo. Eh ano nga ba kung pandak ka? Hindi naman height ang sukatan ng pagiging matagumpay na tao.
Kanya-kanyang uniqueness ang bawat tao, kaya kung saan ka magaling— maaaring skills ay doon ka mag-concentrate at pagyamanin mo. Natitiyak ko na darating ang pagkakataon na ang gaya mo na ang hahanap-hanapin ng mga babae.
Dr. Love
- Latest