Dear Dr. Love,
Ipinauuna ko na ang taus-pusong paÂsasalamat sa paggamit mo sa aking sulat. Nais din kitang batiin ng isang mabiyaÂyang araw pati na sa iyong staff at mga tagasubaybay.
Tawagin mo na lang akong Leonardo, 32-anyos at may asawa. Sampung taon na kaming nagsasama ni Cristy sa piling ng aming limang anak at hindi nagbabago ang tamis ng aming pagsasama.
Marami ang naiinggit sa amin dahil ang ilan sa mga nakasabayan naming ikasal ay nawasak na ang pamilya pero kami’y nananatiling matatag.
Hanggang sa makilala ko si Weena. Isa siyang sekretarya sa opisinang aking pinapasukan. Bagong pasok lang siya pero nagkapalagayan kami ng loob. MaÂbait siya at nadarama kong may pagtaÂtangi ako sa kanya.
Sa kabila nito ay pinipigilan ko ang aking sarili dahil ayokong mawasak ang aking pamilya. Ramdam kong may gusto rin sa akin si Weena at madalas ay nagdadala siya ng sobrang baon para sa aming dalawa. Ayaw kong matukso. Dapat ba akong mag-resign para iwasan siya?
Leonardo
Dear Leonardo,
Tatagan mo pa ang iyong pagtitimpi. Ang pinakamabuting gawin ay sabihin mo kay Weena na bagama’t magkaibigan kayo, isa kang happily married guy at maÂbuting dumistansya kayo sa isa’t isa para maging malayo sa tukso.
Hindi mo naman kailangang mag-resign dahil batid kong mahirap humanap ng trabaho. Posible rin na bilang kaibigan lang ang tingin ni Weena sa iyo pero walang masama kung sabihin mo sa kanya ang totoong dapat kayong dumistansya sa isa’t isa at huwag gawing special ang pagtitinginan ninyo at baka mauwi sa pagkakaroon ninyo ng relasyon na higit sa magkaibigan.
Pasalamat ka sa Diyos at binigyan ka ng isang matatag na pamilya. Huwag mong hayaang mawasak ito. Lagi kang manalangin para bigyan ka ng lakas ng Diyos laban sa tukso.
Dr. Love