Dear Dr. Love,
Kumusta po kayo? Tawagin n’yo na lang po akong Marco, 21 anyos. Siguro sasabihin ninyong parang istorya sa pelikula o komiks ang kasaysayan ko pero totoo po.
May nililigawan ako at mahal na mahal ko siya. Tawagin n’yo na lang siyang Lara. May mutual understanding na kami kahit ‘di pa ako pormal na sinasagot. Minsan ay inimbita ko si Lara sa bahay para makilala ng tatay ko at mga kapatid. Biyudo na po ang tatay ko.
Sa kakakuwentuhan ay nabanggit ni Lara ang pangalan ng kanyang ina at ibang reaksyon ang napuna ko sa tatay ko. Natigilan siya. Single parent daw ang nanay ni Lara na halos kasintanda ng tatay ko.
Nang inihatid ko sa kanila si Lara at bumalik ako ng bahay, sarilinang kina usap ako ng tatay ko. Sabi niya kapatid ko sa labas ang aking kasintahan at dapat naming tapusin ang aming relasyon. Nasa Cebu ang nanay ni Lara at si Lara ay nagbo-board lang habang nag-aaral sa Maynila.
Nang lumuwas ng Manila ang nanay ni Lara ay nagkaroon ng pagkakataong mag-meet kaming lahat para pag-usapan ang situwasyon. Malungkot kami ni Lara dahil hindi kami puwede pero ang maliÂgaya naman ay ang aming mga magulang dahil nagkabalikan sila.
Kahit nalaman kong magkapatid kami, attracted pa rin ako sa kanya. Ano ang gagawin ko?
Marco
Dear Marco,
Ang kapatid ay kapatid, Marco. Limutin mo siya at humanap ng ibang hindi mo kadugo.
Dapat maging masaya ka dahil muling nagtagpo ang landas ng tatay mo at ng kanyang dating katipan.
Itanim mo lang sa isip palagi na kayo’y magkapatid ni Lara at naniniwala akong mapapawi rin ang nadarama mo para sa kanya.
Dr. Love