Dear Dr. Love,
Sa edad na 25 taon, wala pa po akong boyfriend at nakakahiya mang sabihin, parang walang lalaking makatipo sa akin. Ang sa tingin kong dahilan ay dahil hindi ako maganda.
Ang sabi naman ng best friend ko, alisin ko lang ang pagiging kimi at mahiyain, marami akong magiging kaibigang lalaki. Marami anya ang nagsasabing latoy akong kausap at naaasiwa silang lumapit at makipagkilala dahil sa hindi ako marunong makihalubilo sa tao kaya napagkakamalang suplada.
Paano po kaya ang dapat kong gawin para matutunan kong magkaroon ng tiwala sa sarili? Lagi kasi akong duda na walang may gustong makipag-usap sa akin matangi sa malapit kong kaibigang si Tina.
Payuhan mo po ako. Maraming salamat.
Gumagalang,
Luisa
Dear Luisa,
Unang-una, alisin mo sa isip na pangit ka. Kung nagmumukha kang suplada, turuan mo ang sarili mo na maging palangiti. Makakatulong din na matutunan mo ang tamang pag-aayos sa iyong sarili. Mas bagay na panaÂnamit o kaya’y hairstyle. Pero dapat mo ring alalahanin, na hindi lamang kaugnay sa gandang panlabas ang attraction sa opposite sex kundi maging ang pagkakaroon ng mabuting ng kalooban.
Dr. Love