^

Dr. Love

Nanghalik si bayaw

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko po alam kung paano ko sasabihin sa aking nanay at kapatid ang tunay na dahilan kung bakit ako umuwi sa aming probinsiya nang walang kaabug-abog.

Naaawa sana ako sa kapatid ko na walang taga-alaga ng dalawa niyang anak habang siya ay nagtitinda sa palengke pero talagang hindi na ako makakatagal sa inuupahang bahay ng ate ko.

Mag-aapat na buwan pa lang po ako sa kanilang bahay ay naoobserbahan ko na ang malisyosong tingin sa akin ng aking bayaw. Ayaw ko sana itong pansinin pero sumagad ang aking pangamba na baka ako gawan nito ng masama kung wala si ate nang minsan, umuwi itong nakainom at bigla niya akong hinalikan. Itinulak ko siya at binantaang magsusumbong kay ate kapag inulit pa niya ito. Ang dahilan ni Kuya Dado, ang akala daw niya ay si Ate ako. Puwede pa sana akong maniwala sa alibi ni bayaw kung mahaba sana ang buhok ni ate tulad ko.

Sa ikalawang pagkakataong muling nagtangka si Kuya Dado na yakapin ako, nahagip ko ang kutsilyo at iniamba ko ito sa kanya. Noon din ay nagbalot ako at nagpasyang umuwi na sa amin.

Anumang pilit ng nanay ko kung bakit nilayasan ko si ate, ang sagot ko ay hindi ko na kayang mag-alaga ng mga pamangkin. Kinagalitan kako ako ni Kuya Dado nang mauntog ang kanyang bunsong anak at nagkaroon ito ng bukol sa noo. Pinipilit po ako ng ate ko na bumalik na sa kanila at kinagalitan ako ng nanay nang tumanggi ako sa pakiusap ni ate.

Kailangan ko po bang sabihin ang totoo para tigilan na ako ng kapatid ko na bumalik sa kanila sa Maynila? Hindi bale na magalit siya sa akin, kaysa sila namang mag-asawa ang mag-away.

Maraming salamat po at hihintayin ko ang sagot ninyo.

Gumagalang,

Brenda

Dear Brenda,

Nakukuha ko ang magandang intensiyon mo para hindi magkalamat ang relasyon ng isang mag-asawa. Pero hindi rin makakabuti kung sasarilinin mo ang pagtatangka sa iyo ng bayaw mo.

Ang payo ko, magtapat ka sa nanay mo at siya na ang bahalang kumilos para hindi ka na pilitin ng ate mo na bumalik sa kanilang bahay. Natitiyak ko na makakaisip ng magandang paraan ang nanay mo, nang hindi maisasakri­pisyo ang seguridad mo o ang pagsasama nilang mag-asawa.

Dr. Love       

AKO

ANUMANG

ATE

AYAW

DEAR BRENDA

DR. LOVE

KUYA DADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with