^

Dr. Love

Napapahamak ang hibang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi Sir. Kumusta po kayo? I want to consult with you my love problem. By the way, you may call me Lizel, 18 years old.

Sa aking facebook account, naging friend ko si Mark. Magaganda ang mga postings niya at labis akong humanga sa kanya at palagi kong nila-like ang mga post niya.

Madalas akong makipag-chat sa kanya at nagkahulugan kami ng loob. Nakuha namin ang aming mga cell number at madalas kaming mag-usap.

Actually, para ko siyang tatay. Noong una ay dad ang tawag ko sa kanya pero naramdaman kong I am falling for him.

The problem is 59 years old na siya at may asawa’t anak. Sabi nga niya, parang anak lang ang turing niya sa akin.

Hindi ko yata ito ma-take Dr. Love. Sabi niya mabuti pang i-unfriend na lang namin ang isa’t isa dahil natatakot din siyang mahulog sa tukso.

Natuklasan ko na lang na nawala na siya sa list of friends ko. Ini-invite ko siyang muli ng ilang ulit pero ayaw na niyang mag-respond. Dapat ko bang ituloy ang kahi­bangan ko?

Lizel

Dear Lizel,

Alam mo palang kahibangan bakit mo itutuloy? Paghanga lang ang nararamdaman mo. Tama ang ginawa ni Mark na inalis ka niya sa listahan ng mga kaibigan. Ha­nga­ ako sa mga lalaking tulad niya. Ma­tatag ang character.

Siyempre, kapag lumalapit ang tukso, ang pinakamainam na gawin ay kusang lumayo. Huwag mo na siyang isipin at i-de­lete mo na rin siya sa pagtatangi ng iyong puso.

Dr. Love

ALAM

DAPAT

DEAR LIZEL

DR. LOVE

HI SIR. KUMUSTA

HUWAG

LIZEL

NIYA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with