Ipagpapalit sa pera?
Dear Dr. Love,
Hi, hello and a blessed day to you. Tawagin mo na lang akong Angela, 22-anyos at nagtatrabaho sa bangko.
Mayroon akong boyfriend na katrabaho ko at mag-iisang taon na kami. Tawagin mo na lang siyang Daniel. Hanggang sa makilala ko ang isang depositor na ang edad ay 34. Isa siya sa big depositors namin at CEO ng isang kompanya.
Binata siya at ako palagi ang hinahanap niya kapag nagde-deposit. Nahahalata ko na may gusto siya sa akin hanggang sa inimÂbita akong mag-dinner at hindi naman ako tumanggi. Nagsimula siyang manligaw sa akin.
Guwapo rin siya pero mas guwapo ang present boyfriend ko at mas mahal ko. Sa totoo lang “friends†lang ang damdamin ko sa lalaking ito. Pero nag-iisip-isip ako dahil mahirap lang kami at may sakit pang pareho ang mga magulang ko.
For practical reason, gusto ko na siyang sagutin at makikipag-break na ako sa boyfriend ko kahit mahal ko siya. Tama bang gawin ko ito?
Angela
Dear Angela,
Kailanman ay hindi puwedeng ikumpurmiso ang pag-ibig. Basta ipagpapalit mo na lang ang tunay mong mahal sa iba nang dahil lamang sa pera?
Personal point of view ko iyan. Pero malaya kang mag-desisyon para sa sarili mo. Kung hindi ka susumbatan ng iyong konsensya dahil mayroong taong masasaktan kapag ginawa mo iyan at ang lalaking sasamahan mo’y hindi mo naman mahal.
Makakatulog ka kaya kung may konsensyang nagbubulong sa iyo na pera lang ang hinabol mo sa manliligaw mo?
Evaluate your feelings and make your own decision based on the points I cited.
Dr. Love
- Latest