^

Dr. Love

Dapat ba?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Greetings and a very pleasant day to you. Ako ay isang estudyante na kumukuha ng kur­song­ nursing sa kabila ng edad kong 29-anyos­. Tawagin mo na lang akong Lusing.

Noong araw ay nagkaroon ako ng ka-live in at nagkaroon kami ng isang anak na lalaki na 3-anyos na ngayon at nasa pangangalaga ng aking­ nanay sa probinsya. One year lang kaming­ nagsama at iniwanan niya ako.

Working student po ako kaya hindi ako ma­kapag-full load dahil nagtatrabaho rin ako bilang saleslady.

Mayroong nanliligaw sa akin. Hindi ko naman siya type pero hindi naman pangit. He is 43 years old at mayroon daw siyang negosyo. Sabi niya, kung sasama ako sa kanya ay tutustusan niya ang pag-aaral ko.

Napaisip tuloy ako dahil talagang ambisyon kong makatapos. Dapat ko bang tanggapin ang alok niya?

Lusing

Dear Lusing,

Kung tatanggapin mo siya para matupad ang pangarap mo, mali! Isa pa, binata ba siya? Handa ka ba niyang pakasalan?

Dapat natuto ka na sa karanasan mo na nakipag-live in tapos iniwanan ka matapos ma­anakan.

Kilalanin mo ang lalaking nag-aalok sa iyo. Kung wala kang pagmamahal, huwag mong tanggapin ang offer sa iyo.

Pasasaan ba at makakaraos ka rin sa sa­riling pagsisikap.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DAPAT

DEAR LUSING

DR. LOVE

HANDA

ISA

KILALANIN

LUSING

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with