Dear Dr. Love,
Maalab na pagbati sa inyo. Tawagin mo na lamang akong Lani, 24-anyos at nagtatrabaho bilang saleslady sa isang kilalang mall. Hindi ako nakapagtapos ng college dahil sa kahirapan.
Mahirap lang kami at sa kaunti kong kinikita ay sinasagot ko ang pag-aaral ng aking nakababatang kapatid sa isang vocational school.
Sa aming tatlong magkakapatid, dalawa kaÂming nagtatrabaho ng aming panganay na lalaki.
Mahirap talaga ang mahirap. Kung minsan ay dalawang beses na lang kaming kumakain sa isang araw. Kailangan kasing magtipid. Ang ina namin ay 70-anyos na at may sakit.
Dr. Love, natutukso akong pumatol sa isang matandang mayaman na nanliligaw sa akin. PaÂngako niya, pag-aaralin niya ang kapatid ko. Pero ang lalaking ito’y 57-anyos na at may asawa.
Pagpayuhan mo ako, Dr. Love. Dapat ko bang gawin ito para makatikim ng ginhawa ang pamilya ko?
Lani
Dear Lani,
Kung gagawin mo iyan, para mo na ring ibiÂÂnenta ang iyong sarili. Okey lang sana kahit matanda kung biyudo o binata. Kaso may asawa.
Hindi lang batas ng Diyos ang lalabagin mo kundi kahit batas ng tao.
Okey lang maging mahirap basta may dangaÂl. Pero kung mahirap ka at ibinenta mo pa ang iyong dangal, wala nang mabuting matitira sa iyo.
Dr. Love