^

Dr. Love

Binabalikan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi, hello and I wish you all the best. Umaasa ako na nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap mo sa aking sulat.

Kung puwede, itago mo na lang ako sa pa­ngalang Mirasol, isang single parent. Kasisilang pa lang ng aking sanggol nang mamatay sa hindi inaasahang aksidente ang asawa ko.

Two years na akong biyuda ngayon at ang problema ko ay ito, binabalikan ako ng una kong kasintahan. Hindi mo naitatanong, dinaan ako sa dahas ng aking napangasawa. Ako’y biktima ng rape at dahil makaluma ako, ako’y bumangon sa aking kinadapaan.

Nagpakasal ako sa mister ko kahit hindi ko mahal dahil nagbunga ang kanyang panghahalay sa akin.

Mahal ko pa rin ang dati kong boyfriend pero nagdadalawang isip ako. Tama ba Dr. Love na pumayag ako sa gusto niya kahit ako’y disgrasyada at sasaluhin pa niya nga­yon ang aking anak?

Mirasol

Dear Mirasol,

Unang-una, hindi mo kasalanan ang nangyari sa iyo. Pa­ngalawa, mahal ka pa rin ng boyfriend mo at mahal mo rin siya.

May kasabihan na sa tunay na pag-ibig, naikukubli ang lahat ng depekto.

Kaya kung tatanu­ngin mo ako, ang sagot ko ay go for it. Sabi nga love is lovelier the se­cond time around.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DEAR MIRASOL

DR. LOVE

KASISILANG

KAYA

MIRASOL

NAGPAKASAL

SABI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with