Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Ramon, 31 anyos at hiwalay sa asawa. Hindi kami kasal ng dati kong ka-live in pero may dalawa kaÂming anak.
Nang maghiwalay kami, dinala niya ang dalawang bata at nagdamdam ako dahil mahal ko ang aking mga anak.
May asawa na siyang iba at may anak na rin siya roon. Ang masakit, iba ang kinikiÂlalang ama ng aking mga anak.
Puwede ko po ba silang bawiin sa ilalim ng batas?
Ramon
Dear Ramon,
Kung hindi kayo kasal, sa palagay ko ay wala kang karapatan sa mga bata. Sa ilalim kasi ng family code, laging babae ang may karapatan sa mga anak niya kung hindi siya kasal sa lalaking kinasama.
Ituring mo na lang na closed chapter ang nangyari sa iyo. Masakit man na nawala sa poder mo ang mga anak mo, hindi dapat tumigil sa pag-inog ang mundo mo. Move on.
Bata ka pa naman at puwede ka pang bumuo ng bagong pamilya sa bagong babaeng mamahalin mo.
Dr. Love