^

Dr. Love

Disenteng bading

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko po inililihim na ako ay isang bading. Bata pa lang ako nang kakitaan ng pagiging badiday. Noon pa man ay panay na ang paalala sa akin ng inay na kung mababago ko pa ang aking pag-iinarte ay gawin ko raw para maging normal ang buhay ko.

Pero talaga po na wala akong magawa. Likas sa akin ang damdaming babae, na lalaki ang crush. Talagang ladlad na po ang aking kapa bilang isang bading kaya panay pa rin ang pangaral ni inay, na isang mala­king pagkakasala ang pumatol ako sa lalaki.

Tinututulan po ng damdamin ko ang gustong mangyari sa akin ni inay, pero pinilit ko po na ito ang mangibabaw sa aking pagkatao. Dahil dapat daw ay makipagkaibigan lang ako at kailangan na maging isang di­senteng bading. Nagawa ko po ito Dr. Love.

Pero pagpayuhan po ninyo ako dahil hindi ako sure kung hanggang kailan mapipi­gilan ang damdamin kong pambabae. Pa­ano po ba limitahan ang pagiging isang di­senteng bading kaysa sa pagiging isang hitad na bading?

Alam ko rin po na ang isang tulad kong alanganin ang kasarian ang madalas na pinagsasamantalahan ng mga lalaking pu­ma­patol sa amin para magpasustento at sundin ang kanilang luho.

Thank you po at magandang araw sa inyo.

Gumagalang,

Andrew alyas Andrea

Dear Andrew alyas Andrea,

Naniniwala ako na hindi mo naman kasa­lanan na makaramdam ka sa sarili mo gaya ng pusong nasa isang tunay na babae. Pero alam nating lahat na walang sikretong hindi nabubunyag. Kaya gaano ka man mag-pretend sa iyong sarili, eventually ay lalabas at lalabas din ang natural sa iyo.

Para sa akin ang pagiging disente, ma­pababae man o lalaki o binabae ay pare-pareho lang. Ang hindi pagsangkalang ng sarili sa imoralidad o seksuwal na pakiki­pag-ugnayan sa kapwa na makakapagpababa ng iyong moral bilang isang tao. You can express your preferences in your looks, sa pananamit at marami pang bagay nang hindi mo kailangan na bigyan ng kahihiyan ang iyong sarili, higit sa lahat ang mga mahal mo sa buhay. I wish you happiness at umaasa pa rin ako na one day ay makita mo ang iyong sarili sa mas tiyak na pagkakakilanlan. God bless you.

Dr. Love

AKO

ALAM

ANDREA

DEAR ANDREW

DR. LOVE

ISANG

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with