Dear Dr. Love,
Matandang “tinali†kung bansagan ang aking uncle ng mga matatandang manang dahil siÂmula nang pumanaw ang aking lolo at lola ay sa aming bahay na siya pinatira ni tatay kaysa mag-isa siya sa iniwang bahay ng kanilang mga magulang.
Sa edad na mahigit 50 ay binata pa rin si Uncle Domeng. Sabi niya hangga’t walang babae na dumarating sa buhay niya ay mananatli siyang matandang binata. Mabait sa akin si uncle, binibigyan niya ako ng extrang baon. Kaya naman listo ako sa pagtitimpla ng kanyang kape.
Minsan umuuwi rin siya sa kanilang ancestral house para maglinis hanggang sa magpaÂbalik-balik na siya ng madalas dito. May nakilala pala siyang mag-ina na siyang pinatao niya sa bahay. Ang kanyang pagmamagandang-loob ay nauwi sa kanilang pagkakaÂmabutihan.
Isang araw, kasama na niya ito na pumunta sa aming bahay maging ang isang batang babae. Sinabi niya kay tatay na natagpuan na niya ang permanenteng roommate at magpapakasal na sila ni Flora. Sa tantiya ko ay nasa 40 anyos siya. Mahal daw ni uncle si Flora at mayroon na siyang instant anak.
Bagaman nasurpresa si tatay sa naging deÂsisyon ng bunsong kapatid niya ay hindi siya tumutol. Lalong naging masayahin ang uncle ko, Dr. Love. Kapansin-pansin ito sa kanÂyang maaliwalas na itsura, lalo na nang ibalita niya kina tatay ang pagdadalantao ni Auntie Flora.
Hindi na ngayon tinawag na “tinali†si uncle kundi “matulis†na.
Maraming salamat po at sana nagustuhan ninyo ang kwento ni Uncle Domeng.
Gumagalang,
Samantha
Dear Samantha,
Sa madalas na pagkakataon, dumaraÂting sa hindi inaasahang panahon ang taong makakapagpaligaya sa sino man. Kaya sa oras na dumating ito ay mas lamang ang katiyakan sa iyong kalooban. Marahil, hindi talaga nakaÂtadhana na maging “tinali†ang iyong Uncle Domeng kung kaya bago pa dumating ang dulo ng biyahe ay nakita niya ang iyong Auntie Flora.
Patuloy pa sanang lumago ang pamilya nila at nang lalong maging masaya ang kanilang pamumuhay bilang mag-anak.
Dr. Love