Kunwa-kunwarian, nauwi sa totohanan
Dear Dr. Love,
Noong una, parang isang laro lang nang mapagkasunduan namin ng aking best friend ang pagkukunwaring magkasintahan kami. Ideya ko po ito para makakawala sa kabi-kabilang inirereto sa akin ng mga kapatid at mga kamag-anak dahil napag-iiwanan na raw ako ng panahon.
Gusto naman takasan ng best friend kong si Marie ang mga binatang inirereto sa kanya ng mga kaibigan niya dahil hindi naman daw niya type. Sa isang dinner ako nag-propose sa kanya at pumayag naman siya. Nagsimula ang aming palabas sa debut ng kapatid ko. Success ito dahil napanganga ang pamilya ko nang sabihin kong may date ako. Ganun din ang reaksiyon ng pamilya at mga kaibigan ni Marie.
Mula noon ay lagi na kaming nagde-date ni Marie at sa pakiramdam ko ay gusto ko na ang role ko. Nakakaramdam din po ako na puÂputok ang dibdib kapag may ibang magpapakilala sa girlfriend ko. Hindi na ako makaÂtulog noon, hindi ko na kayang maglihim. Kaya nagtapat na ako kay Marie, natuwa ako dahil the feelings is mutual daw.
Noon din ay nagpasya kaming i-set ang aming kasal. Itinakda ang pamamanhikan naÂmin ng aking magulang sa kanila at hindi nagtagal, kasalanan na!
Ngayon po ay inaabangan na namin ang pagsilang ng aming panganay. Sa ginawang ultrasound, baby girl po siya. Sobrang saya ko, Dr. Love. Ang true love ko pala ay malapit na malapit lang sa akin, na naghihintay lang na magising ako sa reyalidad.
Maraming salamat po, more power.
Gumagalang,
Ronnie
Dear Ronnie,
Talagang may pagkakataon na finding true love is not that uneasy. Dahil kung minsan nasa paligid na siya pero hindi lang namamalayan. Ang nangyari sa inyo ni Marie ay something that has build a foundation dahil from best friend, naging best lover kayo. In God’s amazing grace, alam ko na everything will be alright with your wife and your soon to be born baby girl. God bless your family.
Dr. Love
- Latest