Dear Dr. Love,
Call me Mr. Depressed. Graduating na ako next year sa kursong chemical engineering at sa buong 20 taon ko sa mundong ito ay naging maligaya ako dahil minahal ako ng aking mga magulang.
Pero two months ago, ang kaligayahan ko ay napalitan ng kalungkutan dahil nalaman kong ako ay isa lang ampon.
All along, inakala ko na ako’y tunay na anak. Pero minsan ay dumalaw sa bahay ang isang matagal nang kaibigan ng mga kinilala kong parents at sinabing “Iyan na ba ang adopted son ninyo? Ang laki na.â€
Nagulat ako sa mga sinabi niyang ‘yon at nang mag-usisa ako sa mga magulang ko ay napilitan silang magsabi ng totoo. Inampon ako mula sa isang bahay ampunan dahil wala silang biological child.
Hindi ako nagpahalata pero nalungkot ako at hanggang ngayo’y dama ko pa ang mapait na katotohanang nalaman ko.
Paano ko mapapawi ang damdaming ito?
Mr. Depressed
Dear Mr. Depressed,
Isipin mo na napakasuwerte mo kaysa ibang bata. ‘Yung ibang anak ay isinilang lang ng kaÂnilang ina pero wala silang pagkakataon na makapamili ng anak.
Ikaw, sa dinami-rami ng aampunin, pinili ka ng mga magulang mo. Espesyal ka Mr. Depressed kaya hindi ka dapat magtanim ng ano mang galit sa mga taong kumandili sa iyo.
Hindi ka man nagmula sa kanila, ikaw ay tunay nilang anak na minahal, dinamitan, pinag-aral para marating mo ang kinalalagyan mo ngayon.
Bata ka pa pero ano man ang maging maÂgandang kapalaran mo, iyan ay utang mo sa kanila na mga taong dapat mong mahalin.
Dr. Love