^

Dr. Love

Gusto nang bumalik ni Mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Parang bombang sumabog ang pasabi ng dati kong mister na gusto na niyang bumalik sa aming mag-iina para muling buuin ang nawasak naming tahanan.

Sa totoo lang po Dr. Love, maligaya na ako kahit solo sa pagpapalaki at pagtataguyod ng dalawa naming anak. Kahit na ang dalawang anak naming sina Shirley at Potpot, hindi naman hinahanap ang kanilang ama. Sa loob ng tatlong taon na umalis at nagsarili si Mateo wala namang nabago sa buhay namin kung ang pag-uusapan ay pananalapi.

Ang malaking epekto, hindi na nag-iinit ang ulo ko at wala na ring away na nasasaksihan ang aming dalawang anak.

Wala na po akong nararamdamang pagma­mahal at respeto kay Mateo. Kung kailan naka-adjust na kaming mag-iina sa isang buhay na walang ama ng tahanan, saka na naman susulpot ang naglayas kong asawa.

Ayaw kasi niyang nasisita sa kanyang araw-araw na pag-inom at galanteng paggastos sa kanyang mga drinking buddies. Mistula na siyang isang alcoholic. Madaling mag-init ang ulo kapag nakontra mo ang kanyang desisyon.

Malimit din niyang iniinsulto ako sa harap ng aking mga anak at kaibigan kung mayroong mga mumunting pagkakamali lalo na sa pagluluto.

Gusto ko nang makipaghiwalay sa mister ko. Wala akong nalalamang dahilan kung bakit kailangan niyang bumalik pa sa akin, kundi nais niyang ibenta ang bahay at lote namin na isang conjugal property.

Payuhan mo po ako Dr. Love. Ano ang gagawin ko? Hindi ko na mahal si Mateo.

Gumagalang,

Donna 

Dear Donna,

Huwag kang mangamba na baka kung ano ang gawin sa iyo at sa iyong mga anak ng la­senggo mong asawa kung hindi mo pagbigyan ang gusto niyang muling bumalik sa inyo pagkaraan ng tatlong taong paglalayas.

Kausapin mo ng matino ang asawa mo at ipaliwanag kung bakit kailangang gawing legal ang paghihiwalay.

Makabubuting magkaroon ka ng legal advi­cer, abogado kung talagang yari na ang desis­yon mong makipaghiwalay na sa asawa mo.

Hingin mo rin ang stand ng mga anak mo bago ka magsulong ng hakbang na baka pag­si­sihan mo sa dakong huli.

Dr. Love

vuukle comment

ANAK

ANO

AYAW

DEAR DONNA

DR. LOVE

KUNG

MATEO

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with