^

Dr. Love

Habaan ang pasensiya

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Let me just go direct to the point. Tawagin mo na lang akong Lucille. Dati’y maayos ang pagsasama naming mag-asawa kasama ang tatlong anak.

Nang mabiyuda ang aking biyenang babae, nagpasya ang mister ko na kupkupin na namin siya. Wala kasi silang sariling bahay kundi na­ngungupahan lang. Nasa 76 anyos na ang biyenan ko pero malakas pa.

Ang kaso, marami siyang pintas sa ginagawa ko sa bahay. Ang kaayusan ng mga gamit ay pinakikialaman.

Naiirita na akong masyado pero nagtitimpi lang ako.

Ano ang dapat kong gawin?

Lucille

Dear Lucille,

Wala kang magagawa kundi habaan ang pasensya.

Ina siya ng iyong asawa at hindi naman puwedeng itapon ng anak ang sariling ina.

Unawain mo na lang ang matanda at isiping sarili mo rin siyang ina na  pinagsasabihan ka.

Huwag mong hayaang masira ang inyong magandang pagsasamahan ninyong mag-asawa dahil lamang sa biyenan.

Dr. Love

ANO

DATI

DEAR LUCILLE

DR. LOVE

HUWAG

INA

NAIIRITA

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with