^

Dr. Love

Binitag

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Malaki ang katandaan ko sa lalaking karelasyon ko ngayon at masasabing ako mismo ang gumawa ng paraan para magkaroon siya ng interes sa akin.

Ito Dr. Love ang dahilan kung bakit hindi ako kampante na magtatagal ang aming relasyon ni Lucas, ang kinuha kong tagapamahala ng dalawa kong paupahang apartment.

Binitag ko si Lucas, inakit na patulan ang 37-anyos na balo na ngayon ay may dinadalang sanggol sa sinapupunan, bunga ng aming relasyon.

Nabiyuda ako sa edad na 35 pero walang anak sa yumao kong matandang asawa na isang retired British seaman.

Si Lucas ay 27-anyos, na nahinto sa pag-aaral nang kapwa masawi sa aksidente sa sasakyan ang mga magulang. Naiwan sa kanyang pangangalaga ang isa niyang kapatid na babae na siya niyang itinataguyod sa pag-aaral.

Dating namasukan sa aking family driver si Lucas at nagustuhan ng mister ko ang kanyang serbisyo.

Nang mamatay si Walter at naisipan kong magpatayo ng apartment, ginawa ko si Lucas na building administrator at siya pa rin ang driver ko.

Ang kapatid na dalagita ni Lucas ay pinatira na namin sa aming tahanan, bagaman live-in partner lang kaming dalawa.

Gusto ko po sana ay magpakasal kami ni Lucas bago isilang ang baby namin, pero hindi naman niya ako niya­yayang pakasal.

Mahal ko si Lucas kaya nga ako ang gumawa ng paraan para makuha ko siya. Pero wala naman akong assurance na hindi lang pera ko ang gusto niya kundi kahit man lang katiting sana, mayroon siyang pagmamahal sa akin.

Maalaga naman siya sa akin lalo na sa baby sa lumolobo ko nang sinapupunan.

Matured si Lucas sa kabila ng kanyang batang edad. At nais daw niyang maipakita sa akin na mayroon akong maipagmamalaki sa kanya para maiwasan ang hindi magandang suspetsa na kuwarta ko lang ang habol niya sa akin.

Sa tingin po ba ninyo, mahal niya ako at hindi niya ako iiwanan?

Gumagalang,

Cecille

Dear Cecille,

Ang malaking agwat sa inyong edad ng iyong karelasyon o love-in partner ay hindi sapat na sukatan para magbigay sa iyo ng agam-agam na baka iiwanan ka nito  sa dakong huli .

Ang tagumpay ng pagsasama bilang mag-asawa ng isang babae at lalaki ay nakasalalay ng malaki sa inyong pagkakasundo, pagkakaunawaan at pagmamahalan.

Ang pangyayaring mayroon ka nang dinadala sa sinapupunang baby na malapit mo nang isilang ay isa ring magandang dahilan para maging mas matibay ang inyong pagsasama.

Kung wala kang naririnig sa kanyang suhestiyon na magpakasal na kayo bago isilang ang inyong anak, bakit hindi ikaw ang magmungkahi?

Nabanggit mo na rin na siya man ay naaalangan sa maaa­ring sabihin ng mga tao na baka pera mo lang ang hinabol niya kaya inibig ka niya lalo pa nga’t ikaw ay dati niyang amo at maganda ang pasunod sa kanya ng yumao mong asawa.
Alisin mo na ang mga hinala na hindi makabubuti sa inyong pagsasama .Kung mahal mo ang isang tao, pag-aaralan mong mahalin na rin pati na ang kanyang mga kakulangan sa buhay.
Good luck to both of you.Marahil hinihintay na lang ni Lucas ang pagsasabi mo sa inyong pagpapakasal.

DR. LOVE

AKO

ALISIN

DEAR CECILLE

DR. LOVE

LUCAS

NIYA

SI LUCAS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with