Dear Dr. Love,
Hindi ko po makalimutan ang naranasang paÂmamahiya, bukod pa ang pagdadamot sa akin ng isa sa mga kapatid ng aking tatay noong panahong hilahod po kami para sa pag-aaral ko sa kolehiyo.
Minsan ko lang po nilapitan ang tita ko na ‘yun, dala ang listahan ng mga libro na kailangan ko noong ako ay nasa third year pa. Pero kahit sa pinaÂka-murang libro, hindi po niya ako tinulungan dahil marami naman daw akong tita sa mother side.
Salamat na lang po at may awa pa rin ang Diyos at sa pamamagitan ng tiyahin ko, kapatid ni nanay ay nakarating ako ng third year. Makalipas ang ilan pang mga taon, nakapagtapos ako, nakapag-training sa abroad at ngayon ay may sarili nang clinic sa California.
Panay po ang pakikipagkomunikasyon sa akin ng tita ko, maging ng kanyang mga anak. Kani-kaniyang request ng mga gustong ipabiling pabaÂngo at regalo. Sa madalas na pagkakataon ay sadÂyang abuso na po ang nangyayari. Lalo na nang hingan ako ni tita ng pampapa-opera niya. Pero bukod pa ang mga nakuha na niya sa iba pang mga kapatid nila tatay at kamag-anak. Nagbigay pa rin po ako ng share para sa operation niya bilang pagsunod kay nanay. Dahil ayaw ko po sana itong tugunin.
Ang huling pasaring ay gusto raw magbakasyon sa aming lugar sa States pero walang pamasahe. May mga mas nangangailangan po kasi, Dr. Love sa iba pa naming kamag-anak na tumulong sa akin noon pero hindi naghihintay ng kapalit. Sa kanila ko po inilalaan ang tulong na maiaabot ko.
Lubos po ang pagpapasalamat ko sa PangiÂnoon dahil nakakawala na kami sa hikahos na buhay. Dalangin ko na lang po ay humaba pa ang buhay ng aking mga magulang para matamasa po nila ang bunga ng kanilang paghihirap at kahit paano ay makatikim ng maginhawang buhay.
Maraming salamat po at more power.
Erlinda
Dear Erlinda,
Tunay na anuman ang maging kalagayan sa buhay, kung mapapanatili ang pagiging matuwid ay may katumbas na pagpapala sa Diyos. HinaÂhaÂngaan ko rin ang pagiging masunurin mong anak sa iyong ina, lalo na sa panahon na masama ang loob mo sa iyong tita.
Panatilihin mo lang ang iyong pagpapakumbaba at nawa ay magpatuloy ang pagkakaroon mo ng charitable heart para sa tunay na nangangaÂilangan sa iyong paligid. Kasama mo ako sa panalangin na humaba pa ang buhay ng iyong mga magulang. God bless you!
Dr. Love