Dear Dr. Love,
May tatlong taon na kaming mag-on ni Reymond. Ang problema ko po, madalas ay bigla na lang siyang nanlalamig at kahit hindi niya sabihin ay mistulang cool off ang relasyon namin.
Napapansin ko rin po na panay ang paÂÂtutsada niya na naiinip siya sa tagal ng paghihintay sa akin, dahil matagal na po siyang nag-aaya na kami ay pakasal. Samantalang matagal na naming napag-usapan ang tungkol dito. Na kailangan mapagtapos ko muna ang nag-aaral kong kapatid.
Ganito nang ganito ang pangyayari, Dr. Love. Hanggang sa parang tinabangan na ako kay Reymund. Nararamdaman ko rin po na nagsisinungaling siya sa akin. Marami na akong naririnig pero hindi ako naniwala hanggang sa ako mismo ang makakitang may ibang babae siya at nag-motel pa sila.
Nagpakita na ako kay Reymund at binati siya na tila walang paki. Kitang-kita ko ang pamumutla niya. Iyon lang at umalis na ako. Pero sinundan niya ako hanggang sa bahay. Dito na kami nagkaprangkahan. Hindi ko po akalain ang ending, ako pa ang may kasalanan sa lahat ng kalokohan niya. Dahil pinapabitin-bitin ko raw siya sa matagal nang marriage proposal niya.
Inakala niyang balewala na siya sa akin. Kaya nang mabigyang linaw ang lahat nang gabi ring ‘yun ay pinuntahan niya ang mga magulang ko at sinabi na magpapakasal na kami. Pagtutulungan daw naming pag-aralin si Canor hanggang sa makapagtapos bilang surgeon.
Sa nangyari pong ito sa amin Dr. Love, na-realize ko na sa isang relasyon kailaÂngan ang tiwala at matapat na pag-uusap para maiwasan ang sigalot.
Maraming salamat po at more power.
Gumagalang,
Mimi
Dear Mimi,
Sa maraming pagkakataon, ang tiwala ay kakambal ng pagmamahal kaya dapat ingatan. At para hindi na maging kompliÂkado ang ano mang hindi pagkakaunawaan, maÂhalaga ang open communication. Sa gaÂÂnitong paraan, natu tuto at lumalago ang baÂwat magkapareha kung paano pagtitibayin ang kanilang pagsasama.
Natutuwa ako na naituro sa iyo ng karaÂnasan mo ang importansiya nito. Hangad ng pitak na ito ang higit pang kaligayahan ninyo bilang mag-asawa.
Dr. Love