Dear Dr. Love,
Isang bahagi sa aking buhay ang hindi ko akaÂlain na malalampasan ko makaraang maÂnindigan sa aking pasya.
Nabuntis po ako ng noon ay boyfriend ko na si Cirilo. Naging komplikado po ang lahat dahil ayaw niya akong panagutan at hindi po ito matanggap ng aking pamilya, lalo ng aking ama na nang mga panahon na iyon ay kumakanÂdidato bilang mayor sa aming lugar.
Nalaman ko na isang kamag-anak ang tumunton sa lugar nila Cirilo at binantaan itong gagawing baldado kapag tinakbuhan ang obligasyon sa amin ng magiging anak niya.
Hindi raw po papayagan ng aking pamilya na malagay sa imoralidad ang sino man sa amin, dahil maaari itong gamitin ng kalaban sa pulitika ng aking ama.
Kinausap po ako ni Cirilo at sinabing papaÂyag siyang magpakasal sa akin, sa kondisyon na pagkatapos ng isang taon at makalipas ang elekÂsiyon ay pawawalang bisa namin ito. Agad kong tinutulan ang bagay na ito, Dr. Love. Dahil maÂmatamisin ko pa na itakwil ako ng aking pamilya kaysa pakasal sa lalaking walang paninindigan.
Nagpasya akong lumayo para hindi makaÂsagabal sa ambisyong pulitikal ng aking ama.Kapwa kami nawala ni Cirilo sa aming komunidad at ipinalagay ng marami na nakasal kaming dalawa. Tanging ang aking ina lang ang nakakaalam ng katotohanan at kung saan ako naninirahan ngayon.
Sa ngayon po Dr. Love, alam kong hindi ako nagkamali sa aking desisyon. Kahit ako ay single parent, hindi naman kulang sa pagmaÂmahal ang aking anak dahil marami akong mga kaibigan na boluntaryong tumutulong para ako ay makapagbagong buhay. Sa tulong ng ipinadadalang sustento sa akin ng aking ina, naipagpatuloy ko ang pag-aaral at isa na ako ngayong certified public accountant.
Isang mahalagang leksiyon ang natutunan ko at titiyakin ko po na hindi na ito mauulit sakaling may bagong pag-ibig na dumating sa buhay ko.
Maraming salamat po at God bless.
Gumagalang,
Daisy
Dear Daisy,
Hinahangaan ko ang paninindigan mo na tang gihan ang kasal-kasal na mungkahi ng dati mong boyfriend. Nakakatuwa rin na natutunan mo ang mahalagang leksiyon na hinatid ng karanasan mo. Sana hindi ito mawaglit sa iyo at maging maligaya ka sa mga darating pang araw kasama ang iyong munting anghel. God bless you.
Dr. Love