Hindi mapatawad
Dear Dr. Love,
Unang-una sa lahat ay ang taos-puso at mainit kong pagbati sa iyo at sa bawat masugid na suki ng iyong pitak.
May limang taon na akong sumusubaybay sa Dr. Love at hinahangaan ko ang mga payong ibinibigay mo sa mga taong may problema sa pag-ibig. Isa na ako sa kanila at umaasa akong malulutas ang aking suliranin sa pamamagitan ng payo mo.
Ako po si Cita, 36-anyos at tindera ng gulay sa palengke. Isang baldado ang asawa ko. PaÂlagay ko’y karma ito sa kanya dahil noong araw ay lasenggo siya at lagi akong sinasaktan.
Kaloob na siguro ng Diyos na magkaÂganyan siya para matuldukan ang kalupitan niya sa akin. Sa kabila nito’y ginagampanan ko ang tungkulin ko bilang asawa niya. InaÂalagaan ko siya. Pinaliliguan, binibihisan at sinusubuan. Kahit pabulul-bulol ay humihingi siya ng tawad sa ginawa niya sa akin pero sa puso ko, hindi ko siya mapatawad.
Kahit may mga manliligaw ako ay hindi ko pinapatulan dahil alam kong kasalanan.
Paano ko maiwawaksi sa puso ko ang galit at tuluyan ko siyang mapatawad?
Cita
Dear Cita,
Batid mo ba na lahat tayo ay makasalanan sa mata ng Diyos? Roma 3:23, “Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi umabot sa kaluÂwalhatian ng Diyos.â€
Sa kabila niyan ay pinatawad tayo ng Diyos dahil sa pananampalataya natin kay HesuÂkristo. Sabi sa Roma 6:23, “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan pero ang handog ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Kristo-Hesus.†Oo, walang kasalanang hindi puwedeng patawarin ng Diyos sa taimtim na humihingi nito.
Kung magkagayon, matuto ka rin na magpatawad kung ibig mong mapatawad ng Diyos sa iyong mga sala. Ang kapatawaran ay hindi base sa nararamdaman mo kundi isang desisyon na dapat mong gawin para tuluyang kumawala ang galit sa iyong puso.
Dr. Love
- Latest