^

Dr. Love

Asawa ng isang seaman

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nang makasal kami ng asawa ko ay sini­gurado ko na bubukod kami ng tirahan. Dahil hindi po ako kampante na kasama ang mga in-laws ko. Ang pakiramdam ko kasi ay ipinamumukha nila sa akin na inagawan ko sila ng tagapagpakain­.  

Hindi ko rin po ginusto na makipisan ang sino man sa aking balwarte sa aming tahanan para walang masabi ang aking mga in-laws at isipin na ipinangtutustos ko sa aking mga magulang ang kinikita ng aking asawa na seaman sa abroad.   

Minabuti ko rin po na huwag tumigil sa trabaho, may dalawang maid po kami na siyang tumitingin sa dalawa naming anak.

Nakarating po sa akin ang parunggit ng aking­ biyenan na ako’y maramot at minsan naman ay tumanggap ng mensahe mula sa aking tiyahin, na nakikiusap na pahiramin ko ng pera ang aking­ ina para mabayaran ang inutang sa kanya.

Wala po akong alam tungkol doon, hanggang sa sabihin ni tiya na ang 25 libong hiniram ni nanay sa kanya ay ginamit para sa huling eksamin ko sa kolehiyo at ang iba pang rebela­syon kaugnay sa solong pagbalikat ng balo kong ina para sa amin ng aking kapatid ay naghatid ng kilabot na pakiramdam sa akin. May ibang pa­milya po pala ang aking ama.

Natauhan po ako dito, Dr. Love kung kaya nagbago ako. Tama si tiya na hindi ko dapat kali­mutan ang pamilyang pinagmulan ko at tanawin din na malaking utang na loob ang bahagi ng partido ng asawa ko para sa kung ano man ang narating niya ngayon.

Salamat po sa pagbibigay daan ninyo sa liham­ na ito. God bless.

Soledad

Dear Soledad,

Ang pagtanaw ng utang na loob lalo na sa mahahalagang tao na may malaking bahagi sa ating buhay ay magandang asal na hindi dapat makalimutan. Pero dapat din na maging malinaw na hindi kasing-kahulugan nito na maging obligasyon mo sila habang buhay.

Yaman din lang ay higit sa pangangailangan ng inyong pamilya ang kinikita ng iyong asawa, hindi naman kalabisan ang kahit paano ay kalingain mo sa kakapusang pinansiyal ang iyong ina at pagbigyan ang paglapit ng iyong mga in-laws. Alalahanin mo na laging pinagpapala ang nagbibigay kaysa tumatanggap.

Dr. Love

AKING

ALALAHANIN

DAHIL

DEAR SOLEDAD

DR. LOVE

MINABUTI

NAKARATING

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with