^

Dr. Love

Hindi magkaanak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang ako sa pangalang Temyong, 40-anyos.

Limang taon na kaming mag-asawa ng aking misis at ‘di pa pinapalad na magkaanak.

Kapwa kami nagpatingin at lumalabas na ang asawa ko ang may problema.

Ayaw kong umampon hangga’t maaari dahil mas gusto ko na magkaroon ng sariling anak.

Minsan naiisip kong gumawa sa iba. Nagtitipon ako ng lakas ng loob para imungkahi ito sa aking asawa dahil iniisip ko na baka magalit siya.

Kung gagawin ko ito, tama po ba?

Temyong

Dear Temyong,

Kung gagawin mo iyan, you are being selfish and unfair. Gusto mo ikaw lang ang may sariling anak na hindi naman tunay na anak ng misis mo.

Isa pa, may negative moral issue na nakapaloob sa ganyang sistema.

Kung ako ikaw, mas tama na mag-ampon na lang kayo na bagama’t pareho ninyong hindi tunay na anak ay puwede naman ninyong ituring at mahalin bilang isang tunay na anak.

Dr. Love

vuukle comment

AYAW

DEAR TEMYONG

DR. LOVE

ISA

ITAGO

KAPWA

LIMANG

MINSAN

NAGTITIPON

TEMYONG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with