Dear Dr. Love,
Sa palagay ko po ay may problema ako sa pakikipagrelasyon sa aking opposite sex. Naoobserbahan ko kasi na interesado lang ako sa simula at kapag nasa getting-to-know each other stage na ay unti-unti na akong nanaÂnawa.
Hindi naman po sa akin nagsisimula ang pananawa, kundi sa unti-unting pagiging maÂkakalimutin ng mga lalaki sa kalaunan ng pagÂde-date.
Minsan naman po akong nagkaroon ng seryosong boyfriend pero hindi natuloy ang pla nong pagpapakasal namin. Dahil napikot siya ng ibang babae nang magbunga ang minsang pagkakalimot nila sa sarili.
Ang nararamdaman ko po ba ay isang paÂlatandaan na magiging matandang dalaga na lang ako? Bigyang liwanag n’yo po sana ako. Dahil nakikita ko na nagiging hadlang ang bagay na ito sa pagpili ko ng magiging life time partner.
Maraming salamat po.
Tin-Tin
Dear Tin-Tin,
Sa palagay ko, bukod sa nagiging mataas na pamantayan mo sa iyong magiging kareÂlasyon, malaking factor din ang hindi mo pa naÂtatakasang pangamba dulot ng nakaraang karanasan sa iyong love life.
Kung patuloy na mananariwa sa iyo ang tungkol dito, hindi ka talaga magiging handa para sa bagong love life. Sa palagay ko rin, hindi mo pa nakikita ang talagang nakalaan para sa iyo. Dahil kapag nangyari ito, mawawala na ang mga sinasabi mong qualifications dahil iiral ang feelings mo.
Dr. Love