^

Dr. Love

Mabilis manawa sa relasyon

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa palagay ko po ay may problema ako sa pakikipagrelasyon sa aking opposite sex. Naoobserbahan ko kasi na interesado lang ako sa simula at kapag nasa getting-to-know each other stage na ay unti-unti na akong nana­nawa.

Hindi naman po sa akin nagsisimula ang pananawa, kundi sa unti-unting pagiging ma­kakalimutin ng mga lalaki sa kalaunan ng pag­de-date.

Minsan naman po akong nagkaroon ng seryosong boyfriend pero hindi natuloy ang pla­ nong pagpapakasal namin. Dahil napikot siya ng ibang  babae nang magbunga ang minsang pagkakalimot nila sa sarili.

  Ang nararamdaman ko po ba ay isang pa­latandaan na magiging matandang dalaga na lang ako? Bigyang liwanag n’yo po sana ako. Dahil nakikita ko na nagiging hadlang ang bagay na ito sa pagpili ko ng magiging life time partner.

Maraming salamat po.

Tin-Tin

Dear Tin-Tin,

Sa palagay ko, bukod sa nagiging mataas na pamantayan mo sa iyong magiging kare­lasyon, malaking factor din ang hindi mo pa na­tatakasang pangamba dulot ng nakaraang karanasan sa iyong love life.

Kung patuloy na mananariwa sa iyo ang tungkol dito, hindi ka talaga magiging handa para sa bagong love life. Sa palagay ko rin, hindi mo pa nakikita ang talagang nakalaan para sa iyo. Dahil kapag nangyari ito, mawawala na ang mga sinasabi mong qualifications dahil iiral ang feelings mo.

Dr. Love

BIGYANG

DAHIL

DEAR TIN-TIN

DR. LOVE

MARAMING

MINSAN

NAOOBSERBAHAN

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with