^

Dr. Love

Na-develop

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ipinauuna ko na ang aking pasasalamat sa pagtampok mo sa aking sulat. Tulad ng ibang sumusulat sa iyo ay mayroon din akong love problem.

Tawagin mo na lang akong Inday, isang kasambahay na matagal nang naglilingkod sa aking amo dito sa Lucena.

Mayaman ang mga amo ko at nagsimula ako sa kanila noong 13 anyos pa lang. Naging yaya ako ng kanilang anak na lalaki, na pitong taong gulang noon. Sa tagal ng pagsisilbi ko ay tiwalang-tiwala  sa akin ang pamilyang ito.

Ngayon ay 20 anyos na si Erwin at ako ay 26 na.  Ang pagmamahal namin sa isa’t isa ay higit pa ngayon  sa magyaya at ito’y sikreto sa kanyang mga magulang.

May nangyari na sa amin. Dalawang beses na at ngayo’y tinatanong ko ang sarili ko kung tama ba ito. Mahal ko si Erwin pero paano kung malaman ng kanyang magulang?

Inday

Dear Inday,

Ang nangyari sa inyo ay nagka-develop-an kayo ng dating paslit na inalagaan mo.

Mahirap talagang supilin kapag ang puso’y umibig.  Ang pinakamabuting magagawa ay magtapat kayo sa kanyang mga magulang at kung sila’y tututol, putulin n’yo na ang relasyon ninyo.

Maaaring magalit sila at karapatan nila ‘yon bilang mga magulang ng iyong kasintahan.

Kung tutuusin walang legal na hadlang kung kayo man ay magpakasal pero mahirap kung may partidong tumututol lalo pa’t ito ay mga magulang ng iyong kasintahan.

Isang tagubilin pa, iwasan na ninyo ang pagkahulog ninyo sa tukso at magdadala lang iyan ng matinding problema.

Dr. Love

 

DALAWANG

DEAR INDAY

DR. LOVE

ERWIN

INDAY

IPINAUUNA

ISANG

KUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with