^

Dr. Love

Pinsan pala

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May kakatwang karanasan na nangyari sa akin. By the way, tawagin mo na lang akong Carl, 20-anyos.

May nakilala akong isang magandang babae sa isang party ng aming common friend. Na-love at first sight ako sa ganda niya.

Ipinakilala ako ng aking kaibigan at matagal kaming nagkuwentuhan. Nang magkasarilinan kami sa garden ay gumawa na ako ng mga pasakalye at patutsada na gusto kong manligaw sa kanya.

Balikbayan siya from Italy at doon daw nama­malagi ang kanyang mga parents at isa pang kapatid.

Sa tingin ko’y may gusto rin siya sa akin. Pero sa tagal ng aming kuwentuhan ay may mga pangalan ng taong lumutang na kakilala na­min pareho. Natuklasan namin na ang nanay niya at tatay ko ay magkapatid.

Hiyang-hiya ako sa nangyari pero sa totoo lang, hindi nagbago ang damdamin ko sa kanya. Sinabi niya sa akin na dahil mag-first cousin pala kami ay kalimutan na ang ligaw-ligaw.

Dr. Love, masama bang magkatuluyan ang magpinsan?

Carl

Dear Carl,

Kung magkapatid ang inyong mga magulang, parang kapatid mo na rin ang babaeng nagugustuhan mo.

Kaya mayroong family reunion ay para magkakila-kilala ang mga magkakaanak at hindi magligawan.

Kahit attracted ka sa kanya, kalimutan mo na lang siya dahil hindi puwede, okay?

Dr. Love

BALIKBAYAN

DEAR CARL

DR. LOVE

HIYANG

IPINAKILALA

KAHIT

KAYA

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with