‘Sugar mommy’
Dear Dr. Love,
Hindi ko po sana gusto na isapubliko ang nararamdaman ko ngayon, Dr. Love pero kailaÂngan ko po ang payo ninyo tungkol sa nagiging problema namin sa mommy ko.
May ibang lalaki po ang mommy ko. Ito po ang ipinagngingitngit ko dahil sa kabila ng aming kakapusan sa pinansiyal ay nagiging “sugar mommy†pa siya ng dati naming trabahador sa negosyong furniture making.
Nagkandalugi na po ang negosyo namin dahil pati puhunan ay pinahiram ni mommy kay Alden. Nabaon sa utang ang mommy ko kaya napilitan siyang bumalik sa poder ng kanyang mga magulang at ang bahay na tinitirhan namin ay pinauupahan niya. Ang problema, ang upa ay napupunta sa lalaki niya.
Matagal nang hiwalay ang mommy at daddy ko. May ibang babae na rin si daddy. Kami ng kapatid ko ay pinag-aaral ng aming lolo at lola.
Ano po ba ang dapat namin gawing magkaÂpatid para tigilan ng aming ina ang pagsusustento sa kanyang lalaki?
Hihintay ko po ang inyong kasagutan.
Gumagalang,
Andy
Dear Andy,
Laging nasa mga anak ang aking simpatiya kung ang mga magulang ay nagkakanya-kanya na. Dahil tunay na ang mga anak ang siyang kawawa.
Hindi madali ang pinagdadaanan ninyong magkapatid. Pero kumpara sa ibang biktima rin ng broken-family ay masasabi kong maswerte pa rin kayo dahil may mga lolo at lola kayo na kumakalinga sa inyo.
Pero ang reyalidad sa problema ninyo ay hindi kontrolado ng inyong kamay na magkapatid. Dahil ang pagpili sa gustong gawin at bigyan ng halaga ng inyong mommy ay nasa sa kanya.
Pero huwag kayong mawalan ng pag-asa, dahil marahil nga ay hindi na ninyo mapagbabago ang isipan ng inyong ina sa mga bagay na kinahuhumalingan niya, natitiyak ko na maraÂming paraan ang Diyos para maging maayos ang inyong buhay.
Ipagdasal ninyo lagi ang inyong mommy at maniwala na kikilos ang buhay nating Diyos sa buhay niya, na magpapabago sa mga desisyon niya sa buhay. Kasama ninyo ang pitak na ito sa bawat taimtim na panalangin.
Sikapin mo din, Andy na manatiling normal ang buhay ninyong magkapatid… mag-aral ng mabuti at paunlarin ang inyong buhay sa pamamagitan ng matuwid na pamantayan sa buhay. God bless you.
Dr. Love
- Latest