^

Dr. Love

Secret Gay

Pilipino Star Ngayon

Dearest Dr. Love,

Hi, hello and how do you do? Sana’y maligaya ang pagpasok ng taong 2013 sa buhay mo.

Tawagin mo na lang akong Elmer, 24 anyos at nakatakdang magpakasal sa June sa aking kasintahan.

Mayroon akong lihim na kakaunti ang nakakaalam at kahit ang kasintahan ko’y hindi batid ito.

Ako ay isang secret gay. Wala pa akong karanasan sa pakikipagrelasyon sa kapwa ko lalaki pero ganyan ang damdamin ko. Nagkakagusto rin naman ako sa babae kaya nga niligawan ko ang magiging misis ko. Katunayan ay siya ang ikatlong naging girlfriend ko.

Kung minsan ay may nakakapansin ng mga kilos ko na sabi nila’y may pagka-effeminate. Sinasabi ko naman na hindi ako bading at ganyan lang akong kumilos.

Dapat ko bang sabihin sa magiging misis ko ang aking sikreto?

Elmer

Dear Elmer,

Basta’t  by the grace of God ay masusupil mo ang iyong secret desire sa lalaki, wala kang dapat sabihin sa future wife. Naniniwala ako na kung tinanggap ka niya sa kabila ng mga mannerisms mo, mahal ka niya talaga at magiging matibay ang inyong relasyon.

I will pray for you and your wife to be na sana’y maging matibay ito at kapwa kayo ilayo sa tukso.

Dr. Love

 

DAPAT

DEAR ELMER

DR. LOVE

KATUNAYAN

MAYROON

NAGKAKAGUSTO

NANINIWALA

SANA

SINASABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with