Madilim na nakaraan
Dear Dr. Love,
Ikubli mo na lang ako sa pangalang Ms. Secretive, 21-anyos, nagtatrabaho sa isang fastfood chain.
Marami akong manliligaw pero isa ang napupusuan ko. Kaso hindi ko siya masagot dahil sa madilim kong nakalipas. Isa akong rape victim.
Nung ako’y 17-anyos, hinalay ako ng isang anak ng maimpluwensyang tao. Dahil wala kaming pera para maghabla, nanahimik na lang ang aking pamilya.
Ano ang gagawin ko? Hindi ako makapag-move on dahil sa karanasan kong ito.
Ms. Secretive
Dear Ms. Secretive,
Ang kahapon ay hindi puwedeng burahin pero puwedeng kalimutan at ituring na tapos na kabanata ng buhay. Bawat tao ay may hindi magandang karanasan bagama’t iba-iba lang.
Ipagtapat mo sa manliligaw mo ang nangyari sa iyo. Hindi mo kagustuhan ‘yon kaya hindi ka dapat magkaroon ng guilty conscience.
Kung tunay ang pagmamahal, ano mang madilim na karanasan ay hindi makahahadlang.
Dr. Love
- Latest