^

PSN Showbiz

Andi nag-feeling beauty queen sa Cannes

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

May ilang namimintas sa isinuot na white outfit ni Andi Eigenmann sa presscon ng Cannes Film Festival 2016 in France kung saan isa siya sa mga rumampa para sa pelikulang Ma’ Rosa. Nakikipag-compete ang pelikula nila – with her mom Jaclyn Jose para sa highest prize na Palme d’Or.

Ang say ng ilang mga nakakita sa suot ni Andi sa social media, parang kumot lang daw ito sa hotel habang nasa background niya ang mga photographer. Ang say pa ng mga nega, nakakatakang parang hindi siya pinansin ng mga photog samantalang presscon ang pinuntahan niya.

Pero iba naman ang statement ni Andi sa kanyang Instagram account sa nasabing white pants and tube na pang-itaas with long back: “Received a warm welcome from the media yesterday at the photo call. I could not be any more grateful for this experience. Big thanks to direk Brillante Mendoza for this opportunity. And to have had the chance to work alongside one of the country’s best. My very own mother Jaclyn Jose. I will most definitely cherish this moment forever. #DreamsDoCannesTrue. As for this beautiful ensemble, thank you so much Pattyang!!! Everybody LOVED it. I definitely couldn’t have rocked the press conference and the photo call in anything else.”

Pero napuri naman si Andi nang rumampa na sa red carpet. Kaya lang gumawa ng sariling eksena ang dating beauty queen na si Isabel Lopez na kasama sa Ma’ Rosa. Suot ang green gown, nag-posing siyang mag-isa sa may dulo ng group photo with Direk Brillante Mendoza kaya lalong napansin siya. Eh very classy at nakaw-eksena ang kulay ng gown habang naglalakad siya kaya nag-trending si Isabel.

Pero parang dedma naman si Andi dahil nag-beauty queen moment siya sa suot na Boom Sason gown.

“I have had my fair share of great ups and down in the 25 years of my existence in this beautiful world, and you see, nothing makes life way more interes­ting than when our dreams come true.

Let me just steal a little ‘beauty queen’ moment for myself to encourage women like me to never give up on their dreams. To make sure to never be afraid to dream BIG. Because yesterday, my life long dream has finally come true. And what’s even sweeter is that it’s only the beginning.

“Yes it will never be easy, and yes, it will be very tough. Tough, to the extent that we would ask ourselves if it’s time we  give up. The key is to brush off all the negativity with your head held high because we will always fall. It’s what we do about the opportunity to get back up once again, that matters most.

“I encourage all young women to spend our lives with positivity and love. To humbly and fearlessly live life for ourselves, because, it is ours after all.

“If I can do it, my dear, so can you. ‘Believe in yourself in all that you are. Know that there is something inside you that is greater than any obstacle.’ Christian D.”

Pacman magko-konsulta sa mga bumoto kung papayagan sa Olympics

“I need to ask if the Filipino people will allow me to participate in the Olympics,” sagot ni Senator Manny Pacquiao matapos i-proklama bilang senador ng bansa kasabay ang 11 pang nanalo.

Ito ay kaugnay sa bali-balitang lalaban siya sa gaganaping Olympics sa Brazil.

Pang-pito si Manny sa mga nanalong 12 senator kung saan nakakuha siya ng 16 million votes. At bago ang eleksyon nagdeklara siya ng retirement sa huling laban niya.

Anyway, hudyat na ba ang 16 million votes ni Manny para pumasok sa isip niyang mag-Presidente rin ng bansa?

Tito Sotto hindi nakasama sa proclamation

Nasa ibang bansa pala si reelected Senator Tito Sotto kaya hindi siya nakadalo kahapon sa PICC. Mismong si TIta Helen Gamboa ang nagbalita sa ilang kaibigan niya sa hindi pagdalo sa proclamation ng mga nanalong 12 senators sa naganap na May 9 elections ng asawa.

Kung sabagay hindi naman first timer si Sen. Tito kaya hindi na bago sa kanya ang iproklama.

DAHNTAY JONES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with