^

PSN Showbiz

Actress kapos sa appeal at landi!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa ipinakitang acting ng actress sa kanyang pelikulang ipinalabas kamakailan, parang hindi na nga uusad ang kanyang career.

Marunong umarte si actress pero namimili lang ng role. Hindi niya kering magpakilig at parang ang hirap bagayan ng kanyang personalidad. Hindi basta-basta sumasakto.

Ganito ang naging kapalaran niya sa actor na nakapareha niya sa pelikula. Hindi nag-match ang kanilang personalidad kaya kinapos sa chemistry.

Medyo magulo rin ang kanyang character kaya siguro hindi siya lumutang sa pelikula.

Sayang maganda siya pero kulang sa appeal at landi.

Wala naman daw kasing kaso beking mayaman hindi sumuko sa boylet na hinarang sa immigration

Ibang klase talagang ma-in love ang mga beki. Gagawin ang lahat para sa lalaki.

Ganito ang ginawa ng isang beking may slight na connection sa showbiz.

Gusto niyang ipasyal ang boyfriend niyang promdi sa ibang bansa. Nag-plano siya ng Asian tour na silang dalawa lang. Since naka-base siya (beki) sa abroad, plinano na niya ang lahat. Habang si masuwerteng lalaki ay binilhan niya ng ticket dito sa Pilipinas biyaheng Kuala Lumpur para doon na lang sila magkita.

Kaso mo, sa unang schedule ni boylet papunta ng KL, hinarang siya ng Immigration sa Ninoy Aquino International Airport. Pinatawag siya. Hinihingan daw ng dokumento na makakapagpatunay na kaya niyang magbiyahe at mamasyal sa ibang bansa.

Nang walang maipakita ang pobreng boylet dahil siguro kinabahan kaya ‘di nakapagpaliwanag ng maayos, hindi siya pinaalis. Umuwi siya sa kanilang bahay na bigo sa kanyang pagbiyahe para sa pinanabikang sandali ng be­king madatung.

Alam ni beking nataranta lang si boylet. Wala nga naman itong nilabag na kahit anong batas para hindi siya paliparin at alisan ng karapatan na magbakasyon sa ibang bansa. Napagdudahan lang daw na ‘escort’ si boylet ng Immigration officer na parang mapanghusga naman.

Hindi sumuko si beki. Nakaplano na ang lakad nila sa iba’t ibang bansa sa Asya. Namuhunan na siya. Kaya ang ginawa niya, binilhan niya uli ng ticket pa-Kuala Lumpur si boylet na aalis din sa sunod na araw matapos harangin sa Immigration.

Ang kaso mo hindi na naman pinasakay. Kailangan daw munang patunayan ni boylet na may negosyo siya rito, may bank account etc. etc.

Kaya sa ikalawang pagkakataon, hindi na naman nakalipad ang boylet. Nasayang na naman ang pamasaheng ginastos ng beki.

Desperado na si beki. Ang pakiramdam niya bakit ang mga sinasabing criminal nakakaalis ng bansa o ang ibang may mga kaso bakit ang boylet niya, pinahihirapan samantalang wala naman daw itong nilabag na kahit anong batas.

Hindi sumuko, pinakuha niya (beki) lahat ng mga dokumento si boylet. Pati bank-account ng nanay ni beki, ka-join na si boylet.

Binilhan uli ng ticket at pak, pinaalis ng Immigiration nang ipakita ang mga dokumento. Pero may banta, iba-ban daw pag hindi siya bumalik sa pagkatapos ng limang araw.

Grabe ano. Meron palang ganun.

May isang article na lumabas na, hindi lang pala isa, kundi umaabot sa 40 katao ang nago-offload araw-araw sa NAIA dahil lang napagkamalan silang hindi na babalik ng bansa at baka mag-TNT na sa pupuntahan nilang bansa.

Ayon sa beki, si boylet hindi mukhang mag-TNT binigyan pa nga niya ng P100k na pocket money nagkataon lang probinsiyano ito at Bisayang magsalita.

Kawawa. Buti mayaman si beki. Kung iba ‘yun, hindi na siguro natupad ang pangarap ni boylet na makalanghap ng hangin sa ibang bansa na tiyak na mas fresh kesa sa hangin sa Metro Manila kasama ang dyowang beki.

JC at Jessy may romansahan na

Nag-umpisa sa drama (You’re My Home) ang tambalan nina JC de Vera at Jessy Mendiola pero ngayon nagpapakilig na sila sa Wansapanataym Presents: Just Got Laki.

“Siyempre different ‘yung pagiging light, siyempre may romantic side siya. May ligawan and things na very different  from You’re My Home kasi nga ‘yun heavy drama, ito very light lang. May konting kilig and light romance,”  ayon kay JC.

“Something different from what we usually do,” ayon naman kay Jessy.

Nabanggit din ng aktor na maganda din ang epekto ng pro­yekto dahil bagong challenge ito para sa kanila.

“Mas wider ‘yung range na makikita. Siyempre hindi lang sa isang angle na heavy drama and comedy like sa Banana Sundae. Very far from sexy, very far from the different genres that we are used to,” pahayag pa ng aktor.

Batang si Macky ang role ni JC na naging grown up matapos kumain ng magic candy na galing sa isang extra­ordinary candy store. Si Jessy naman ay si Sophia na anak ng may-ari ng candy store kung saan nagtatrabaho ang ina ni Macky na ginampanan ni Angel Aquino.

At iikot ang istorya sa matinding pag­hanga ni Macky kay Sophia na naging mas posible nang siya ay lumaki.

Dagdag naman ni Jessy, hindi nila masyadong pinaghandaan ang bagong role dahil gusto nilang maging mas natural ang atake nila sa kani-kanilang character.

Ang unang episode ng Wansapanataym Presents: Just Got Laki noong Linggo ay nakakuha ito ng 26.8 %.

Abangan pa sina JC at Jessy sa lima pang episodes ng  Wansapanataym tuwing Linggo directed by Jojo Saguin at Allan Chanliongco.                                                     

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with