Cebu suportado si Abalos
MANILA, Philippines — Kasabay ng opisyal na pagsisimula ng local campaign period kahapon, itinaas ni Governor Gwen Garcia ang kamay ni dating Interior Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos, Jr. sa isinagawang malawakang caravan sa Southern Cebu.
Ipinahayag ni Abalos ang kanyang taos-pusong pasasalamat kay Garcia at sa mga Cebuanos: “Kaya taus-puso po kaming nagpapasalamat sa whole team ng One Cebu, sa pangunguna po ng ating napakagaling na Governor Gwen Garcia.”
Pinuri ni Abalos ang mahalagang papel ng Cebu sa pambansang pag-unlad at tinawag itong huwaran ng paglago at progreso.
“Cebu is one of the most progressive provinces in the whole country. It is an economic driver in all aspects of performance parating andiyan po ang Cebu,” ani Abalos.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapanatili ng pag-unlad ng Cebu sa pamamagitan ng mahusay na pamumuno.
Sakaling mahalal sa Senado, ipinangako ni Abalos na uunahin niya na alisin ang Value Added Tax (VAT) sa kuryente upang mapagaan ang pasaning gastos sa kuryente ng pamilyang Pilipino at makahikayat ng mga negosyo.
Sinabi ni Abalos na matagal na niyang tinututulan ang VAT sa kuryente mula pa noong 2005 noong siya’y kongresista:
Muling ipinangako ni Abalos ang isang komprehensibong programang suporta para sa mga magsasaka na kinabibilangan ng abot-kayang pautang, pagbawas sa buwis sa lupa, mas malawak nasakop ng crop insurance, at libreng edukasyon para sa kanilang mga anak.
- Latest