Romualdez tiniyak suporta sa barangay Officials
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga opisyal ng barangay ang matibay na suporta ng Kamara sa pagpapalakas ng kanilang kakayahan sa paglilingkod at pagtaguyod ng kanilang kapakanan.
Ipinahayag ni Speaker Romualdez ang pangakong ito sa kanyang mensahe nitong Miyerkules sa harap ng mga miyembro ng Liga ng mga Barangay ng Pilipinas-Tacloban Chapter na sumasailalim sa apat na araw na komprehensibong pagsasanay sa Citystate Tower Hotel sa Ermita, Maynila.
“The House of Representatives, under my leadership, is committed to giving barangay officials the dignity and support you deserve. Hindi namin kayo pababayaan, dahil hindi niyo rin kami iniwan,” ani Romualdez, pinuno ng 306-miyembro ng Mababang Kapulungan.
Binigyang-diin ni Romualdez na ang mga opisyal ng barangay ang gulugod ng pamahalaan.
Kinilala rin ni Speaker ang mabigat na tungkulin ng mga opisyal ng barangay, kabilang ang disaster response, pagpapatupad ng batas, financial management, at mga usaping panlipunan.
Ibinahagi rin ni Romualdez ang ilang panukalang batas sa Kamara na naglalayong pagandahin ang kalagayan ng mga opisyal ng barangay at bigyan sila ng kinakailangang suporta.
- Latest