Pinoy lawyer kasama sa legal team ni Duterte

Lawyer Salvador Medialdea (L) sits in the courtroom during the first appearance via video link of his client former Philippine President Rodrigo Duterte (seen on a screen) before the International Criminal Court (ICC) on charge of crimes against humanity over his deadly crackdown on narcotics, in The Hague on March 14, 2025. The 79-year-old, the first ex-Asian head of state to face charges at the ICC, followed by videolink during a short hearing to inform him of the crimes he is alleged to have committed, as well as his rights as a defendant. Duterte stands accused of the crime against humanity of murder over his years-long campaign against drug users and dealers that rights groups said killed thousands.
AFP / Peter Dejong / Pool

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng isang Filipino ang limang miyembro ng legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kaso sa International Criminal Court (ICC) sa the Hague Netherlands.

Ito ang sinabi Vice President Sara Duterte pagkatapos bisitahin ang kanyang ama sa kanyang detention ­facility sa naturang bansa.

Ayon pa sa Bise Presidente, si British-Israeli abogado Nicholas Kaufman, na itinalaga bilang lead defense counsel ng kanyang ama, ay kasalukuyang nag-iinterbyu ng ilang mga batikang abogado upang sumali sa kanyang team.

Tumanggi naman ang Bise na ibigay ang mga pangalan ng kanilang defense team na binubuo ng limang abogado at posible rin magdagdag pa ng mga tauhan sa ilalim nila.

Kinumpirma naman ni VP Duterte na isang Pinoy ang isasama nila sa team bagama’t ini-interview pa aniya ito at hindi naman kailangan na accredited ng ICC.

Nilinaw pa niya na hindi siya maaaring ­maging bahagi ng defense team ng kanyang ama dahil kailangan niyang umuwi upang maghanda para sa kanyang nakatakdang impeachment trial at upang ipagpatuloy ang kanyang trabaho bilang Bise Presidente habang si dating executive secretary Salvador Medialdea naman ay mayroong isyung medikal.

Show comments