^

Bansa

‘Interim release’ ni Duterte haharangin ng EJK victims

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Tututulan ng pamilya ng mga biktima ng extra judicial killings (EJK) na pansamantalang makalaya si dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Atty. Kristina Conti, International Criminal Court (ICC) assistant to counsel, na maliit ang tsansa na mapagbigyan ang kahilingan ng abogado ni Duterte para sa kanyang interim release.

Sa kabila nito inamin naman ni Conti na malaki pa rin ang impluwensya ng dating presidente.

“Sa palagay ko mababa, siyempre, io-oppose namin iyan, tututulan iyan ng mga biktima dahil malaki ang impluwensya pa rin ni Duterte,” ayon pa kay  Conti.

Mahalaga rin aniya na magpatuloy ang proseso ng ICC ng walang pananakot at walang pagpatay sa mga saksi para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng extrajudicial killings sa war on drugs.

Tiwala naman si Conti na maliit ang posibilidad na payagang pansamantalang makalaya ang ­dating pangulo dahil wala pang ganitong pinayagan sa pananaw ng ICC.

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with