Abril 1, Eid’l Fitr idineklarang holiday

MANILA, Philippines — Idineklara ng Malakanyang ang Abril 1, 2025 bilang regular holiday sa buong bansa.
Sa nilagdaang Proclamation No. 839 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idineklara ang Abril 1 bilang paggunita sa o Feast of Ramadan.
Ang proklamasyon ay base na rin sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos na idineklarang national holiday ang nasabing petsa.
Ayon kay Marcos, kailangang ideklara ang Abril 1 bilang isang regular holiday sa pagsasabing “to bring the religious and cultural significance of the Eid’l Fitr to the fore of national consciousness”.
Ang pagdiriwang aniya ay magbibigay daan din sa mga Pilipino na makiisa sa mga kapatid na muslim sa kapayapaan at pagkakaisa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.
- Latest