^

Bansa

Pangulong Marcos ‘di sisibakin si Solgen Guevarra

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May tiwala pa rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Solicitor General Menardo Guevarra.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, nakausap na niya si Pa­ngulong Marcos tungkol kay Guevarra at sinabing hindi niya hihilingin ang pagbibitiw ni Guevarra.

“No’ng tinanong ko siya kung magre-resign si SolGen, ang sabi niya: ‘Hindi ko hinihingi ang pagre-resign niya’. So ‘yun lang ang sinabi niya, so nandoon pa rin ‘yung trust niya kay SolGen Menardo Guevarra,” ayon kay Castro.

Nagkausap na rin aniya ang Pangulo at si Guevarra subalit wala siyang alam kung ano ang napag-usapan ng mga ito.

Nauna nang umani ng puna at batikos ang pagdistansya ni Guevarra sa petisyon ng mga Duterte sa Korte Suprema at ilan sa mga kritiko nito ang humiling na magbitiw na lamang ito bilang abogado ng gobyerno.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->