^

Bansa

‘Alyansa’ susuyuin mga botante sa Cavite, Laguna

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang malaking campaign rally ang isasagawa ng administration-backed Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Lalawigan ng Cavite ngayong araw, Marso 21 para sa midterm elections sa Mayo.

Susugod ang “Alyansa” senatorial ticket sa Cavite, na may pinakamalaking voting population sa bansa.

Mayroong 2,447,362 rehistradong botante, ang Cavite ay nagsisilbing krusyal na battleground tuwing mayroong national election kaya kritikal na campaign stop ito ng “Alyansa”.

Tatlo sa senatorial bets ng “Alyansa” ay “anak ng Cavite” kabilang sina reelectionist Senators Ramon “Bong” Revilla Jr. (Bacoor) at Francis “Tol” Tolentino (Tagaytay), maging si former Senator Panfilo “Ping” Lacson (Imus), para bigyan ng hometown advantage ang koalisyon sa naturang probinsiya.

Ang malalim na pinagmulan nina Revilla, Tolentino at Lacson sa Cavite, kasama ang kanilang subok at epektibong public service ay inaasahang magbibigay ng positibong ayuda para sa “Alyansa” habang nalalapit ang midterm polls. 

Binigyang-diin ni Navotas City Rep. Toby Tiangco, campaign manager ng koalisyon, na napakahalaga ng suporta na magmumula sa mga botante ng Cavite para makamit ang tagumpay sa isang national election.

Kinabukasan, Marso 22, magtutungo naman ang powerhouse Senate slate sa Santa Rosa, Laguna upang makisalamuha sa mga mamamayan ng isa sa pinakamabilis ang pag-unlad na lugar sa bansa. Mayroong 2,140,124 rehistradong botante, ang Laguna ay krusyal na battleground para sa midterm polls sa Mayo.

Bumubuo sa “Alyansa” ticket sina dating Interior Sec. Benhur Abalos, Makati City Mayor Abby Binay, Sen. Revilla, Sen. Pia Cayetano, dating Sen. Lacson, Sen. Lito Lapid, Sen. Imee Marcos, dating Sen. Manny Pacquiao, dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Sen. Tolentino, ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo at Deputy Speaker Camille Villar.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad