Senado, Kamara ikinasa preparasyon sa impeach trial

MANILA, Philippines — Ininspeksiyon ni House Secretary Reginald Velasco ang session hall ng Senado na pagdarausan ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sinamahan ni Senate Secretary Renato Bantug Jr. si Velasco sa pag-inspeksiyon sa setup sa session hall ng Senado bilang paghahanda sa paglilitis.
Ayon kay Bantug, nais ng Kamara na tingnan ang ginagawang paghahanda upang matiyak na magiging maayos ang lahat ng kinakailangang logistical at procedure requirements.
Inihayag naman ni Velasco na layon ng kanilang pagbisita na tingnan ang pasilidad na ilalaan para sa House prosecution panel at kanilang support staff.
Sinabi rin ni Velasco, dalawang silid ang hiniling nila sa Senado – isa para sa 11 miyembro ng prosecution team at isa para sa secretariat support group.
- Latest