A-Teacher binigyang pagkilala ng PMPC
MANILA, Philippines — Pagkakalooban ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ng special citation award si Virginia Rodriguez bilang “philanthropist of the year” bunsod ng kaniyang adbokasiya at mga hakbang na positibong nakatutulong sa komunidad.
Gaganapin ang special award ceremony sa March 23, 2025 sa Dolphy Theater sa ABS-CBN Broadcasting Center Compound kasabay ng pagdiriwang ng 38th Star Awards for Television.
Ito ay sa pangunguna ni PMPC President Mell T. Navarro at Rodel Fernando na siyang PMPC Overall Chairman ng PMPC Star Awards for Television. Kinilala ng PMPC ang kontribusyon ni Rodriguez sa pagpapahusay ng sektor ng agrikultura at edukasyon sa bansa at sa paglulunsad ng mga proyekto at programa na nakasentro sa pagtulong sa mga mahihirap na magsasaka at sa mga bata. Bukod sa kaniyang mga kontribusyon at mga tagumpay sa larangan ng agrikultura, at imprastraktura, nagsisilbi rin siyang inspirasyon sa mga pamilyang Pilipino sa buong bansa bunsod ng kaniyang dedikasyon sa pagseserbisyo.
- Latest