^

Bansa

Pangulong Marcos, Año at Remulla tinawag na mga ‘taksil’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nag-uumapaw ang galit ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa buong mundo matapos mabunyag ang umano’y sabwatan ng matataas na opisyal ng gobyerno sa  pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) sa dating pangulong Duterte.

Makikita sa social media ang dagsa ng mga akusasyon laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., National Security Adviser Eduardo Año at DILG Secretary Jonvic Remulla na tinawag na mga “taksil” dahil sa kanilang diumano’y papel sa pagpapadala kay Duterte sa The Hague.

Una nang kinondena ni Atty. Raul Lambino sina Pangulong Marcos at iba pang matataas na opis­yal ng gabinete dahil sa umano’y pagtata­guyod ng isang “grand ­conspiracy” upang ­ipatapon si Duterte sa The Hague.

Aniya, ang pag-amin ni Remulla ay nagsisilbing ebidensya ng kanilang ­partisipasyon sa isang gawaing maituturing na kidnapping sa ilalim ng batas ng Pilipinas. 

Idiniin din ni Lambino na ang operasyong isinagawa ng gobyerno, ay isang mabigat na krimen na may matinding parusa, kabilang ang habambuhay na pagkakakulong.

Samantala, iginiit naman ng mga abogado ni Duterte na ang kanyang paglipat sa The Hague ay isang “state kidnapping”, kung saan sinabi nilang “summarily transported to The Hague” si Duterte nang walang tamang proseso.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->