Waray nagpakita ng suporta sa Alyansa bets

MANILA, Philippines — Nagpasalamat si Speaker Martin Romualdez sa mainit na suportang ipinakita ng mga Waray sa senatorial candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas matapos dumalo ang aabot sa 100,000 katao sa campaign rally sa Tacloban City nitong Biyernes.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, ang pagkakaisang ipinakita ng Eastern Visayas ay patunay na buo ang suporta ng rehiyon sa liderato ni Pangulong Marcos Jr.
“Hindi lang ito isang rally—ito ay isang paninindigan na ipagpapatuloy natin ang mga repormang magpapalakas sa ating ekonomiya at magbibigay ng mas magandang kinabukasan para sa bawat Pilipino,” paglalahad ni Romualdez.
Paghimok ng House leader sa mga botante na suportahan ang buong Alyansa slate na siyang tutulong sa Pangulo para mapabilis ang progreso ng bayan.
Kabilang sa mga kandidato ng Alyansa sina House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, dating Interior Secretary Benhur Abalos, Makati City Mayor Abby Binay, Sen. Ramon Bong Revilla, Sen. Pia Cayetano, former senator Panfilo “Ping” Lacson, Sen. Lito Lapid, Sen. Imee Marcos, dating senator Manny Pacquiao, dating Senate president Vicente “Tito” Sotto III, Sen. Francis “Tol” Tolentino, at Deputy Speaker Camille Villar.
- Latest