^

Bansa

Mahusay na edukasyon, mababang presyo ng pagkain isusulong ng ATeacher

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mahusay na edukasyon, mababang presyo ng pagkain isusulong ng ATeacher
A rice vendor sells his products to customers at Paco Market in Manila on February 1, 2025.
The Philippine STAR / Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Tiniyak ni ATeacher Partylist nominee Virginia Rodriguez ang pagsusulong ng mga programa para makamit ang mas mahusay na edukasyon at pag-pababa ng presyo ng mga bilihin sa bansa, tulad ng bigas at iba pang mga produkto ng agrikultura.

Si Rodriguez na isang negosyante at philanthropist ang unang Pilipinang nagsusulong na maging cancer-free ang bansa na lumikha ng isang organic vitamins na may kakayahang pigilin ang pag laganap ng sakit na cancer.

Sinabi ni Rodriguez na bahagi ng programa ng ATeachers Partylist ang pagsusulong ng paggamit ng organic fertilizers at pagkakaroon ng mas mo­dernong farming methods.

Si Rodriguez, ang may akda ng librong “Leave Nobody Hungry”, ang may kakayahang pababain ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa kanyang kaalaman na paunlarin at gawing masagana ang pag-aani ng mga produktong agrikultura sa bansa.

Si Rodriguez na kilala ring advocate sa paglaban sa cancer ang kauna-unahang Pinay na nakalikha ng organic vitamins na “VeggieMax”.

ATEACHER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with