Angkas nagbigay ng libreng training
MANILA, Philippines — Nagbigay ng libreng training para sa tamang pagmamaneho ng motor ang Angkas sa University of Rizal System Oval sa Marialque.
Ginawa ng Angkas ang libreng training kasunod ng trahedya na kinasangkutan ng “Superman” motorcycle stunt accident.
Katuwang ng Angkas ang ibat-ibang law enforcement agencies, road safety advoxates at iba pa.
Ayon kay Angkas CEO George Royeca, mahalaga na mabigyan ng tamang edukasyon ang mga motorista sa tamang pagmamaneho para hindi na maulit ang trahedya sa Marilaque kung saan nasawi ang isang rider.
Nangako na sina Tanay Mayor Rex Manuel Tanjuatco, Senator JV Ejercito, LTO, at PNP Highway Patrol na babantayan at tutugisin ang nagsasagawa ng illegal racing.
“This tragedy is a painful reminder that lives are at stake every time we take to the road,” ani Royeca. “No one should lose a loved one to preventable accidents. We must do better—not just by enforcing rules, but by ensuring riders have the right training, discipline, and awareness to protect themselves and others,” pahayag ni Royeca, first nominee ng Angkasangga Party-list (#107).
Ayon kay Royeca, mayroong 99.7% safety-rated training program ang Angkas.
- Latest