^

Bansa

Pabuya sa ‘loyal’ PhilHealth members, isinulong

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pabuya sa �loyal� PhilHealth members, isinulong
Sa ilalim ng panukala ni Senador Loren ­Legarda, magtatatag ng PhilHealth Member Recognition Program (PMRP), na naglalayong bigyan ng reward ang mga miyembro na consistent ang paghuhulog at mag-aalok ng karagdagang benepisyo bukod pa sa standard package.
Philstar.com / Irra Lising

MANILA, Philippines — Isinusulong sa Senado ang panukalang magbibigay ng reward o pabuya sa mga “loyal” na miyembro ng PhilHealth.

Sa ilalim ng panukala ni Senador Loren ­Legarda, magtatatag ng PhilHealth Member Recognition Program (PMRP), na naglalayong bigyan ng reward ang mga miyembro na consistent ang paghuhulog at mag-aalok ng karagdagang benepisyo bukod pa sa standard package.

“Many of our workers, from factory employees to small business owners, have faithfully contributed to PhilHealth for years, hoping for comprehensive support during times of need. Yet, they often feel that their contributions don’t translate into meaningful benefits,” ayon kay Legarda.

Sa ilalim ng panukalang PMRP, ang mga miyembro na tuluy-tuloy ang pagbabayad ng premiums ay kikilalanin ang kanilang mga nakaraang kontribusyon hanggang 10 taon bago ipatupad ang programa o bago ang kanilang membership kung alin ang mauna.

Ibig sabihin nito ang mga miyembro na tuluy- tuloy ang pagbabayad sa loob ng mahabang taon ay makakatanggap ng puntos na maaaring ipalit sa mas maginhawang tirahan, karagdagang mga paggamot para sa pangangalaga ng kalusugan, mga gastusing hindi sakop ng insurance, karagdagang benepisyo sa kalusugan, o kahit mga hindi medikal na serbisyo na may kinalaman sa kalusugan.

Sinabi ni Legarda na layon din ng panukala na itama ang mali sa pamamagitan ng pagkilala sa katapatan ay pagtiyak na napahahalagahan ang mga miyembro ng sistema.

“This is our way of saying thank you to those who have stayed committed to the program. Their contributions have sustained the system, and it’s time we acknowledge their sacrifices,” ayon kay Legarda.

PHILHEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->